Nagkagulo ang mga tagahanga ni Kyline Alcantara at rumored boyfriend nitong si Kobe Paras dahil sa larawang ibinahagi nila sa kani-kanilang Instagram account kahapon ng gabi Martes, September 24, 2024.

Sa post ni Kyline ay makikitang nakapostura ang dalawa na parang may importanteng okasyon.

Medyo nakaharap si Kobe na nakayakap ang kaliwang kamay sa beywang ni Kyline.

--Ads--

Habang si Kyline naman ay medyo nakatalikod at nakahawak sa dibdib ni Kobe.

Caption ng actress sa kanyang post, “Together, with him. Special announcement. 9.25.24”

Sa ibinahagi namang larawan ni Kobe ay naka-back hug sa kanya si Kyline at caption dito ng basketball star at commercial model, “save the date for a special reveal 9.25.24”

Makikita naman sa comments section ng post ni Kyline ay kanya-kanyang espekulayon ng netizens kung ano ang “special annuncement” na tinutukoy ng dalawa.