DAGUPAN CITY – Ikinalungkot ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Lingayen ang insidente ng pagkakahanap ng bangkay ng isang babae sa shoreline sa capitol beachfront.

Ito ay matapos na maipaulat na ito ay nawawala noong September 23 at kagabi lamang ay nakatanggap ng report ang Lingayen Police na may nakitang bangkay ng babae sa Lingayen baywalk kung saan ay agad na pinuntahan ng pulisya ang lugar at nakumpirmang may bangkay ng tao na natatakpan ng buhangin.

Unang nakita ng ilang naglalaro ng volleyball ang bangkay matapos itong maapakan ng isa kaya agad itong ipinagbigay alam sa awtoridad.

--Ads--

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil na malungkot ito sa naipaulat na pangyayari dahil isang dalaga ang biktima ng karahasan.

Aniya na simula noong maireport na nawawala ito ay agad silang nagmobilize at nagpost ng isang notice kung nasaan ang ito, nagbunga naman ang kanilang broadcast ngunit sa kasamaang palad lamang ay wala na itong buhay nang matagpuan.

Sa kasalukuyan ay patuloy ang paggulong ng imbestigasyon sa nangyaring insidente.

Paalala naman nito sa kaniyang mga kababayan na maging mapagmatiyag at maging vigilant sa lahat ng oras.