Inakusahan ng security service ng Sweden na Sapo ang Iranian Intelligence sa paghahack ng text messaging service upang magpadala ng 15,000 mensahe sa mga Swedes.
Kabilang umano sa data breach ang natanggap na mensahe na hinihikayat ang mga nakatanggap nito na paghigantihan ang mga nagsunog ng Quran. Ito ay matapos sunugin ng mga anti-Islam activists ang ilang mga kopya ng Islamic holy book.
Itinanggi naman ng embahada ng Iran sa Stockholm ang akusasyon. Anila, wala umano itong basehan at nagbibigay lamang ng panganib sa dalawang bansa.
--Ads--
Subalit ayon sa mga imbestigador, ang cyber group na Anzu ang gumawa ng pagkakahiwa-hiwalay ng mga tao at imarka sa Sweden na isa itong islamophobic country.