Dagupan City – Nanindigan ang isang Political Analyst na kinakailangan nang amyendahan ang Party-list Law sa bansa.

Ayon kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst, sinasabi kasi ng korte suprema na tinanggal na ang marginalized partylist kung kaya’t nananatili ang nontraditional lawmakers/politicians sa pwesto.

Aniya, ang dapat na nagiging representate ng isang departamento ay ang indibidwal na nasa ilalim din ng trabaho.

--Ads--

Kung kaya’t malaking tulong aniya kung maamyendahan ang panukala dahil dito ay kinakailangang patunayan ng isang indibidwal na karapat-dapat siya sa pagluluklukang posisyon at nasa ilalim ito ng nasabing hanay.

Hinggil naman sa mga kudeta rumors, aniya pahiwatig lamang umano ito na talagang papalapit na ang eleksyon sa bansa