Nakagawa ang Department of Agriculture (DA) ng Agricultural Cooperative Enterprise Development Services.

Sa ilalim ng bagong inisyatiba na magpapahusay sa mga kakayahan ng agricultural groups sa buong bansa at magpapalakas sa food security at farm productivity.

Sa panukalang Memorandum Circular 22, ang itinatag na ACED Services ay mag-ooperate sa loob ng parehong Central at Regional field offices ng departamento.

--Ads--

Habang ang mga serbisyong ito ay pangangasiwaan ng Office of the Undersecretary for Operations na sa kasalukuyan ay pinamumunuan ni Undersecretary Roger Navarro.

Binigyang-diin naman ni DA Secretary Tiu Laurel Jr. na ang ACED Services ay sentro ng istratehiya ng pamahalaan para bigyang kapangyarihan ang mga magsasaka at mangingisda.

Magiging instrumento rin ito sa pagtulong sa pagbuo ng mga patakaran at plano na sumusuporta sa mga kooperatiba sa agrikultura.