DAGUPAN CITY – Tumataas ang mga naitatalang kaso ng mga online scams sa bansa lalo na at papalapit na ang buwan ng Disyembre.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Pat. Alexandra Cruz, Women and Children Cybercrime Protection Section Investigator ilan lamang sa mga ito ay online shopping scam at vacation scam.
Kung saan aniya dahil tayong mga Pilipino ay gift giving kadalasan ay mas gusto nating bumili online upang mas makatipid.
Subalit hindi natin nalalaman kung minsan na karamihan sa mga nagbebenta online ay mga scammer.
May mga produkto kasi kung minsan na tila ba’y too good to be true at ang presyo ay sadyang mababa higit sa kalahati sa presyo sa mall.
Samantala, dahil papalapit na ang holiday season ang vacation scam ay nagiging talamak na rin.
Kung saan ang mga nagpapaboook ng hotel, accomodation at transportation online ay nagbibigay na din ng downpayment online at matapos makapagbayad ay bigla na lamang sila binablock ng nakausap.
Kaya’t payo nito na kung magkakaroon man ng transaksyon online ay siguruhing legit ang nakakausap, i-verify ang kanilang page at ugaliing gumamit ng trusted platforms.
Dapat din ay sa official store, authorize outlet at official reseller bumili ng mga produkto para maiwasan naman ang online shopping scam.
Pagbabahagi naman nito sa mga may katanungan na dumulog lamang sa kanilang opisina o bisitahin ang kanilang facebook page upang maisangguni ang kanilang reklamo kaugnay sa mga online scams.
Dagdag pa niya na dalhin lamang ang mga printed documents na kinakailangan para sa kanilang transaksyon upang magawan ito ng solusyon.