Dagupan City – Malaking dagok ngayon sa mga namamasada partikular na sa mga jeepney drivers ang on-going construction sa pagpapataas ng national roads sa Dagupan City.

Ayon kay Bernard Tuliao, Presidente ng AUTOPRO Pangasinan, isa ito sa nakikitang problema ng kaniyang grupo kung bakit matumal ang kita nila bawa’t araw.

Ang on-going construction kasi aniya ay kumakain ng 1 hanggang 2 oras na trapiko sa biyahe kung kaya’t nahihirapang makabalik kaagad ang mga tsuper.

--Ads--

Sa kasalukuyan, on-going ang konstruksyon sa bahagi ng Perez Blvrd sa syudad hinggil sa pagpapataas ng national road.

Umaasa naman si Tuliao na matatapos na ang konstruksyon ngayong taon (2024) dahil higit na apektado aniya ang kanilang kita.