Dagupan City – Nanindigan ang AUTOPRO Pangasinan na buo pa rin ang samahan sa lalawigan ng Pangasinan hinggil sa hindi pagsali sa transport strike.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bernard Tuliao, Presidente ng AUTOPRO Pangasinan, ito’y matapos na hindi pa nakatanggap ng anumang impormasyon hinggil sa pagsali sa isasagawang 2-day Transport strike na kinabibilangan ng grupong Piston at Manibela.

Ngunit sa kabila nito, may mga ilan na rin aniyang narecruit ang grupong Manibela partikular na sa Eastern part ng lalawigan.

Sa kabila nito, may mga isinagawang reroute plan naman na nakaapekto sa ruta ng mga tsuper.

--Ads--

Gaya na lamang ng ruta sa syudad ng Urdaneta hanggang Manaoag, at ang nakatakdang pagsasagawa ng developmental route sa bayan ng Bayambang na siyang tatama naman sa tricyle operation.

Dagdag pa ang ruta mula sa Mapandan hanggang Dagupan road, na may parehong ruta traditional at modernized jeepney.

Dahil dito, nakatdakdang pag-usapan ng tatlong araw na magsisimula bukas Spetmeber 24,25,27 ang evaluation ng route plan sa Provincial Planning Office.

Samantala, mananatili pa rin aniya ang dating ruta hangga’t wala pang ibinababang ordinansa na nagmumula sa lalawigan.