Hindi bababa sa 4 na katao ang nasawi habang 18 naman ang sugatan matapos ang mass shooting sa Birmingham, Alabama.

Ayon kay Birmingham Police officer Truman Fitzgerald, pinagbabaril umano ang grupo ng mga tao sa Five Points South area ng nasabing lugar.

Natagpuan ng mga pulis ang labi ng 2 lalaki at 1 babae sa mismong pinangyarihan habang nasawi naman ang isa pang lalaki sa ospital dahil sa natamo nitong sugat sa pagbaril sakaniya.

--Ads--

Iniimbestigahan na ng mga imbestigador kung ang mga armadong kalalakihan ba ay sakay ng isang sasakyan o naglakad lamang patungo sa mga biktima. At hanggang sa ngayon ay wala pang naaarestong suspek.

Pinapaniwalaan naman ni Fitzgerald na hindi lamang ito basta-bastang pamamaril kundi may kaugnayan sa isang isolated na insidente kung saan pinagbabaril din ang mga biktima.

Inaalam na din nila kung sino target ng mga suspek.

Naglabas naman sila ng $5,000 reward para sa makakapagbigay ng impormasyon ng mga suspek. Nakikipagtulungan na din sila sa Federal Bureau of Investigation at iba pang ahensya.