Inilibing na ang nasawing senior Hezbollah commander na si Ibrahim Aqil sa Beirut habang nagpapatuloy ang tensyon sa pagitan ng Lebanon at Israel.

Nagsama-sama ang mga Hezbollah fighter at leaders sa kanilang balwarte sa southern Beirut, malapit lamang kung saan naganap ang nakamamatay na pag-atake.

Nangako naman ang Hezbollah na ipaghihiganti nila ang pagkamatay ni Aqil.

--Ads--

Samantala, patuloy ang pag-atake nila sa Israel kung saan naglunsad sila ng 150 rockets.

Natamaan naman ang ilang residential buildings at mga sasakyan sa Kiryat Bialik sa Israel. Sugata ang ilang mga tao na naroroon.

Sinabi naman ni Israeli commaner Maj. Gen. Ori Gordin na hindi sila titigil sa pag-atake sa Hezbollah.