Hindi raw nagpatalo sa lungkot at takot si Marina Benipayo noong biglang arestuhin ang kanyang partner, ang aktor na si Ricardo Cepeda, noong October 2023 on charges of syndicated estafa.

Pagbabahagi ng former model and beauty queen hindi raw siya tumigil sa pagiging productive kasabay ng kanyang pakikipaglaban na inosente si Ricardo sa ibinibintang na kaso rito.

Kaugnay nito ay hindi rin naging biro ang mga naging sakripisyo ni Marina noong ilipat si Ricardo sa Cagayan Provincial Jail sa Tuguegarao City kung saan gumagawa ito ng paraan mabisita si Ricardo on a weekly basis.

--Ads--

Samantala, noong nakalaya na nga raw si Ricardo after ma-detain ng 11-months, nabawasan ang bigat na nararamdaman ni Marina dahil alam niyang marami ang parating nagdarasal at sumusuporta sa kanilang dalawa.