Patuloy na nakakaranas ng pagbaha sa rehiyon ng Ishikawa sa Japan na ikinasawi ng katao at pagkawala ng pitung iba pa matapos ang “di pangkaraniwang” pag-ulan at landslide sa baybayin sa hilagang Japan.

Ayon kay Myles Briones Beltran-Bombo International News Correspondent sa Japan sa panayam ng bombo radyo, naglabas ang Japan Meteorological Agency (JMA) ng pinakamataas na antas ng babala para sa rehiyon ng Ishikawa kasunod ng malalakas na pag-ulan na inaasahang magpapatuloy pa.

Dalawa sa mga nawawala ay inanod ng malalakas na agos ng ilog

--Ads--

Inatasan na rin ang 40,000 katao mula sa apat na lungsod na lumikas matapos umapaw ang hindi bababa sa labindalawang ilog sa rehiyon.

Bumigay aniya ng sabay sabay ang dam sa lugar kaya ganun na lamang ang lakas ng agos ng tubig at halos lumampas ang tubig sa mga tulay.

Tumutulong na ang Armed Forces para ayusin ang mga kakalsahan na hindi madaanan.