Dagupan City – Mga kabombo! Mga guro ang pangunahing dahilan kung bakit natututo ang mga batang magsulat, magbasa at magkaroon ng mas malawak na kaalaman hindi lamang sa akademiya kundi sa iba’t ibang aspeto ng buhay at kasanayan.

Sabii nga nila, ang mga guro rin ang nagsisilbing mga pangalawang magulang sa loob ng apat na sulok ng silid aralan.

Kung kaya’t kilalanin natin ang kwento ng isang guro na mas nakakilala sa kaniyang propesyon matapos na maantig ang puso ng karamihan nang siya ay bigyan ng isa sa kaniyang mga estudyante ng gulay na “saluyot”.

--Ads--

Ang tanong na “Eto po, oh. Isang tali ng saluyot. Gusto niyo po ito, teacher?” ang isa sa nagpaantig sa kaniyang puso.

Aniya, natanggap niya ito, bilang token para sa kaniya noong nakaraang taon kaugnay sa selebrasyon ng Teacher’s Day.

Sa katunayan aniya, bilang isang guro, lubos siyang nagpapasalamat sa natanggap na regalo. Marahil aniya para sa iba ay ‘simple’ lamang ito, ngunit para sa kaniya ay maituturing niyang isa ito sa kaniyang mga naging motibasyon upang ipagpatuloy pa ang kaniyang propesyon.

Si Teacher Luisa Casuga Conmigo ng Barang Elementary School sa bayan ng Malasiqui, Pangasinan, ay naninilbihan na sa serbisyo sa loob ng 29 na taon .

Kung saan ang fulfillment ng isang guro para sa kaniya ay ang makita ang mga mag-aaral na natuto at nakakapagtapos sa pag-aaral. Gaya na lamang ng kaniyang mga dating estudyante na ngayon ay bumabalik sa kaniyang silid-aralan upang ipaabot ang kanilang pasasalamat sa ibinahagi nitong gabay at kaalaman.