DAGUPAN CITY – Hinihiling ng mga biktima sa sunog sa Old Public Market ng syudad ng San Carlos na ibalik na sila sa dati nilang pwesto sa lalong madaling panahon matapos ang isang buwan ng nangyari ang insidente.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Teresita Cervantes isa sa mga vendors sa nasabing pamilihan na mag-iisang linggo na mula noong inilipat sila ng pwesto sa new public market at masakit para sakanya ang kanilang pinagdadaanan dahil ibang-iba umano ang kanilang kinikita kumpara noong nasa old public market pa sila.

Kung saan nasa P250 na lamang ang kanilang kinikita sa isang araw at kung minsan ay halos wala pa, kaugnay nito ay umaabot sa puntong nasisira na din ang kanilang mga paninda.

--Ads--

Habang pagbabahagi naman ni Magie Cabuang na isa din sa mga biktima ng sunog, sa ngayon ay P200 na lamang sa isang araw ang kinikita ng anak, habang isang libo naman sa kanya na sobrang ikinakalugi nila dahil puhunan pa lamang nila ito at inuutang pa.

Kaya’t hiling nila na sana ay makabalik na sila sa dati nilang pwesto kahit sa gilid-gilid lang at kahit hanggang Disyembre lamang dahil mas maraming dumadagsa na mamimili sa old public market.

Nakatanggap naman siya ng tulong pinansiyal, ilang grocderies, at may inaasahan pa silang susunod dito.

Samantala, sinisikap naman ni City Mayor Julier “Ayoy” Resuello na mabigyan ng financial assistance ang mga nasunugan kung saan ang ilan ay mula sa office of the senators, kongreso, at ilang mga donors.

Nagpakonsulta na rin ang pamahalaan ng tamang proseso kung paano matutulungan ang mga biktima.

Naiintindihan naman aniya ni Mayor Resuello ang mga hinaing ng mga biktima ngunit hinihiling din niya na hayaan muna nilang maayos ito dahil hindi pa ito ligtas para sa kanila.