Mga ka-bombo! kung si Stephen Curry ang kinikilalang greatest of all time pag dating sa kanyang mga three point shot at long distance shot ay aba! ibahin niyo ang isang lalaking ito mula sa Turkey dahil siya lang naman ang may hawak sa long distance shot made habang siya ay naka-blind fold.
Isang Turkish na lalaking si Osman Gürcü 42 years old ang may hawak lang naman ng kanyang ikatlong titulo sa Guinness World Records sa pamamagitan ng paglalagay ng blindfold sabay perform ng tila-Abdul Jabbar hook shot mula sa layong 65 feet and 7 inches.
Aniya, simula pa pagkabata ay interesado na siya sa mga trick shot pagdating sa paglalaro ng basketball. Kaya naman ang kanyang naging libangan ay hindi lamang ang ordinaryong paglalaro ng basketball kundi, pati na rin ang mga kakaibang tira gaya ng longest distance shot at longest bounce shot. Dagdag pa niya, pangarap niya ring gumawa ng sarili niyang world record.
Hawak din ni Gürcü ang mga rekord para sa pinakamalayong behind-the-backboard na basketball shot (36 feet, 1.07 inches) at ang pinakamalayong basketball bounce shot (98 feet, 5 inches)
Sa kasalukuyan, siya na rin ang may hawak sa record ng pinakamalayong naka-blindfold basketball hook shot, sa layong 60 feet. (Justine Ramos)