Aasahan na naman ang panibagong paggalaw sa presyo ng itlog sa mga susunod na buwan.

Ayon sa ulat, dahil ito sa mga nagsarang farms at pagtaas ng toxin level sa mga patuka sa mga manok.

Kung saan batay sa paliwanag ni Francis Uyehara, pangulo ng Egg Board Association, mistulang nagkukulang pa rin umano ang suplay ng itlog dahil maraming egg producers ang huminto at egg farms ang nagsara dulot ng epekto ng tag-init na pinalala ng El NiƱo sa unang anim na buwan ng taon.

--Ads--

Dagdag pa umano ang naunang 3rd quarter syndrome sa mga paitlogang manok. Kasama na nga rito ang problema sa mga sangkap sa patuka dahil sa pagtaas ng toxin level.

Sa kaslaukuyan, naglalaro ang presyo bawa’t isa sa tinatayang P7.50 sa farm gate, habang aabot naman ang presyo nito sa P9 kada piraso pagdating sa pamilihan.