Binaril at napatay ng isang 12-anyos na batang lalaki ang isang mabangis na oso habang inaatake nito ang kanyang ama malapit sa kanilang hunting cabin sa Wisconsin.

Kuwento ng biktima na si Ryan Beierman, 43, na siya ay naipit ng isang 200-pound na oso nang ang kanyang anak na si Owen, ay nagpaputok ng baril gamit ang kanilang riffle na kanilang gamit sa pangangaso.

Ayon sa ama, masyadong malakas ang oso kung saan nagtamo ng matinding sugat sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan kaya naman laking pasasalamat nito kay Owen matapos umanong matapang na paputukan ng baril ang oso.

--Ads--

Itinatayang nasa 6 na talampakan ang nasabing Oso.

Sinabi ni Beierman na nagpaputok siya ng nasa walong putok sa Oso gamit ang kanyang pistol, ngunit tila hindi masayadong makapal ang balat ng oso.

Dagdag pa niya, sinubukan din nitong hampasin sa tenga ang Oso habang inaatake siya nito gamit ang kanyang pistol ngunit tila hindi ininda ng oso ang panghahampas sakanya.

Paliwanag pa nito, Malinaw pa sa kanyang isip kung paano unang atakihin siya ng Oso.

Sa kalagitnaan ng pag atake ng tanging ang mga matatalim na ngipin at mga kuko nalang ng Oso ang kaniyang naaalala.

Kaya naman hindi na nagdalawang isip ang kanyang anak na si Owen na barilin ang Oso sa pag-asang maililigtas niya ang kanyang ama.

Matapos ang pagpapaputok ng kanyang anak ay nagawa nang makatakas ni Beierman sa oso.

Agad na humingi ng tulong ang mag ama sa mga residente hanggang sa dalhin sila sa ligtas silang makarating sa ospital.

Itinitayang nasa 23 tahi ang kinailangan para maagapan ang kanyang sugat sa pisngi.

Isang conservation officer sa Wisconsin Department of Natural Resources naman ang nagsabing legal ang pangangaso ng mag ama.