Nahatulang “guilty beyond reasonable doubt” ang isang tabloid editor na si Janice Navida at ang columnist na si Melba Llanera sa kasong libel na isinampa ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Bukod dito ay may hatol ding “guilty beyond reasonable doubt” si Janice para sa kasong cyberlibel.
Binasa ang hatol sa Quezon City Regional Trial Court nito lamang September 20, 2024 na dinaluhan nina Catriona, Janice, Melba, at kani-kanilang legal counsels.
Sa 12-page resolution ni Acting Presiding Judge Evangeline Cabochan-Santos, nakasaad na napatunayang mapanira at may malisya ang inilathalang ulat ng Bulgar.
Kung saan nakasaad dito na ang libel ay may parusang “prision correctional in its minimum to medium periods, or six (6) months and one (1) day to four (4) years and (2) months,” alinsunod sa Revised Penal Code.
Habang ang kasong cyberlibel, sabi pa rin sa resolusyon, ay may parusang imprisonment of six (6) months and (1) day of prision correccional as minimum, to five (5) years, five (5) months and eleven (11) days of prision correccional as maximum.
Ito ay matapos ang naging post ng nasabing pahayagan taong 2020 kung saan pakiramdam daw ni Catriona ay nayurakan siya at ang kanyang reputasyon.