DAGUPAN CITY – “Dapat palakasin ang lokal na produksiyon ng pagkain at hindi importasyon.”
Yan ang naging mariing pahayag ni Danilo Ramos Chairperson, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas ito ay kaugnay sa patuloy parin na pagtaas ng presyo ng bigas at pangunahing bilihin.
Aniya na marapat lamang na ibasura na ang Executive Order no.62 gayong ang 35% na rates ay ginawang 15% hindi lamang sa usaping bigas kundi maging iba pang agricultural products.
Dagdag pa niya na hindi totoong bumaba ang presyo ng bigas taliwas sa naging pahayag noon ni dating Pangulong Duterte hinggil sa rice liberalization law,
Ang pagbaba ng taripa ay napakinabangan lamang ng mga traders, rice cartels at importers.
Samantala, ang mga magsasaka naman na naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad ay wala paring natatanggap na tulong hanggang ngayon mula sa gobyerno.
Dapat aniya ay mabigyan ng kompensasyon ang mga ito upang may magamit sila sa muling pagtatanim gayundin upang may makain ang kanilang pamilya.