Umabot na sa halos 270 ang bilang ng mga nasawi dahil sa malawakang pagbaha sa Myanmar, habang 88 pang tao ang nawawala, ayon sa ulat ng mga awtoridad ng bansa.

Ayon sa pamahalaan ng nasabing bansa, tinatayang 270,000 ektarya ng mga palay at iba pang pananim ang nalubog sa tubig, at mahigit 100,000 hayop ang nawala.

Nagbabala naman ang United Nations na maaaring umabot sa 630,000 tao sa Myanmar ang mangangailangan ng tulong matapos ang pananalasa ng Bagyong Yagi.

--Ads--

Bilang tugon sa nasabing problema, nanawagan ang Myanmar para sa pandaigdigang tulong. Kung saan matatandaang noong Setyembre 18 ay dumating ang isang barko mula sa Indian Navy at nagdala ng pagkain, gamot, at mga pangunahing suplay.

Tumama ang bagyong Yagi sa Timog-Sipangang Asya ngayong buwan, at nagdulot ng malawakang pinsala sa mga bansa tulad ng Thailand, Laos, Vietnam, at Myanmar na umabot sa halos 600 ang mga namatay sa rehiyon dahil sa pagbaha at pagguho ng lupa.