Sa naging talumpati ni Finance Secretary Ralph Recto kamakailan, hinikayat umano nito ang mga Singaporean investor na mamuhunan sa infrastructure flagship projects ng bansa.
Kung saan ay tiniyak ni Recto sa mga investor na ang pinakaaabangang pagsasabatas sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE) ay magpapadali sa pagnenegosyo sa bansa.
Dahil dito, inaasahan na ang proyektong ito ay maaaprubahan ngayong taon, sa layuning mapadali ang business compliance sa pamamagitan ng pagbabawas ng documentary requirements at tugunan ang mga alalahahin ng mga investor sa value-added tax (VAT) sa pag-exempt sa export-oriented enterprises sa pagbabayad.
Kaugnay nito, inaasahan din ang mas kaakit-akit na incentive package para sa registered projects o activities na may investment capital na lalagpas sa USD260 million o P15 billion.
Kung saan sa ilalim umano ng nasabing panukala, ang registered business enterprises (RBEs) ay mabibigyan ng 5 percent reduction sa corporate income taxes, mula 25 percent sa 20 percent.
Hinggil naman sa investments, hinikayat ni Recto ang Singaporean investors na magsumite ng unsolicited proposals, tumugon sa solicited proposals, at mag-explore ng mas maraming joint ventures sa Philippine government sa pamamagitan ng 186 flagship infrastructure projects (IFPs) ng administrasyon.
Dagdag pa rito ang paghahanap ng Philippine government ng mas malawak na partisipasyon mula sa top-tier partners sa Singapore tulad ng Changi Airport Group, na nag-excel sa pamamahala at pag-ooperate sa Clark International Airport.