Higit 1,000 na mga residente ng north-eastern region ng Emilia Romagna sa Italy ang lumikas dahil sa bagyong Boris. Habang binaha naman ang central region ng Marche.
Sinuspinde na ang mga paaralan sa Emilia Romagna habang naantala naman ang mga daan at riles na tinamaan ng landslide.
Mabilis naman ang pag-apaw ng dalawang kailogan sa syudad ng Faenza. Ayon sa mga residente, kinailangan nilang lumikas habang nasa kalagitnaan ng gabi dahil nagdudulot na ito ng pag-apaw ng kanilang sewage system.
Inabisuhan naman ng mga otoridad na iwasan ng mga residente ang pananatili sa kanilang basement at manatili sa mataas na palapag ng kanilang kabahayan.
Samantala, maglalaan ng €10-billion o katumbas na P62-billion ang pondo ang European Commission para sa mga apektadong bansa dulot ng bagyong Boris.