Naniniwala umano ang mga Republican lawmakers na makakatulong sa kampanya ni dating US president Donald Trump ang tangkang pagpaslang sa kanya.
Ayon kay Isidro Madamba Jr., Bombo International News Corespondent sa USA sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan,
may tinatawag na sympathy vote kaya inaasahan na marami ang makikisimpatya rito kasunod ng ikalawang assasination attempt kay Trump.
Sa mga lumalabas na surveys sa Georgia at Arizona ay tabla ang dalawang kandidato habang sa ibang estado naman ay lamang si Kamala Haris
Samantala, inaalam pa umano ng Federal Bureau of Investigation o FBI ang motibo ng pangalawang pagtatangka sa buhay ni Trump
Matatandaan na hinalughug na ng FBI ang bahay ni Ryan Routh na siyang nasa likod na tangkang pamamaril kay Trump. Nais ng FBI na makakuha ng iba pang ebedensiya at ang tunay na motibo ng suspek.