Dagupan City – Nilinaw ni Pangasinan Provincial Engineer Amadeo Veras na patuloy at hindi tumitigil ang kanilang tanggapan sa isinasagawang pagtutok hinggil sa pagpapataas ng kalsada sa Barangay Canaoalan sa bayan ng Binmaley.

Sa katunayan aniya, may nakalaan na P5 Million budget sa pagpapataas ng kalsada sa Barangay ngayong taon, at tuloy-tuloy din ang kanilang isinasagawang monitoring at maintenance sa mga kakalsadahan. Kung saan ay nakapagsagawa na rin sila ng mga spalting at paglilinis umano ng mga drainanges sa lugar.

Kaugnay nito, nakatakda ring magtayo ng solar lights sa lugar habang tinututukan din ang pagpapataas sa gilid na bahagi.

--Ads--

Binigyang diin naman ni Engr. Veras na dapat ay pag-usapan ng dalawang kapitan mula sa Canaoalan, Binmaley at Carael, Dagupan City ang isyung ito, dahil sila ang pangunahing apektado.