DAGUPAN CITY- Patuloy ang panawagan ng Commission on Election Lingayen Office sa mga indibdwal na hindi pa nakakapagrehistro na magparehistro na sa natitirang linggo bago ang deadline sa September 30.

Ayon kay Reina Corazon Ferrer, ComElec Officer sa bayan ng Lingayen, simula noong buwan ng Hulyo hanggang sa kasalukuyang buwan, umabot na sa 1,685 ang bilang ng mga nagparehistro.

Mangilan-ngilan na lamang ang nagpaparehistro ngayon dahil din sa pag-ulan dulot ng sama ng panahon.

--Ads--

Umaasa pa rin sila na dadagsa ang mga ito sa huling linggo ng registration dahil wala na itong karagdagang ekstensyon.

Sinabi din ni Ferrer na babantayan nila ang posibleng hakot system sa nalalapit na deadline.

Ito aniya ang crucial sa pagpaparehistro lalo na’t national at local election ang pinaghahandaan.

Samantala, magbubukas naman mula Oktubre 1-8 ang pagpapasa ng certificate on candidacy para sa mga national at local positions.

Upang maging kwalipikado, kinakailangan ay Pilipino ito, registered voter, at hindi bababa sa 1 year residency.