DAGUPAN CITY – Nakumpiska ang mahigit 300,000 pesos na halaga ng hinihinalang ilegal na droga sa bayan ng Bolinao, matapos magkasa ng buybust operation ang Bolinao MPS.

Ayon kay PCAPT. Jayson Orilla, Deputy Chief of Police ng nasabing himpilan, nakumpiska nila ang 15 na sachet ng shabu na tumitimbang ng 46.79 gramo at iba pang mga drug paraphernalia mula sa mga suspek.

Aniya na itinuturing ang mga ito na big-time drug pusher kung saan hindi lamang sa bayan ng Bolinao sila nagsasagawa ng operasyon kundi pati na rin sa mga karatig bayan dito sa lalawigan.

--Ads--

Bagamat ay wala pang record ang dalawang suspek ngunit napag-alaman ng mga pulisya na under monitoring ang mga ito sa mga karatig bayan.

Kaugnay nito, patuloy pa rin ang imbestigasyon upang malaman kung sino-sino pa ang mga sangkot sa nasabing insidente.

Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga na ng Bolinao Police Station ang mga suspek at nahaharap sa kasong violation of RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, nanawagan naman ito na huwag matakot na magsumbong sa kinauukulan sa oras na may nalamang impormasyon ukol sa mga ilegal na aktibidad upang mapanatili ang kaayusan sa kanilang bayan.