“Hindi natatapos ang problema sa smuggling, hoarding at iba pang economic sabotage sa pamamagitan ng paglada ng batas patungkol dito subalit nasa tamang implementasyon.”
Yan ang ibinahagi ni Argel Cabatbat Chairman,Magsasaka Partylist kaugnay sa panukalang batas na Anti-Agricultural Economic Sabotage Act na ipinapanawagang kagyat na lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ito ay sa kabila ng mataas na bilang ng mga agricultural goods na naharang ng mga awtoridad ng bansa ngayong taon.
Ani Cabatbat na sang-ayon siya na maisabatas na ito kaagad ngunit mainam na ilagay ang tamang tao para maipatupad ito ng maayos.
Bagamat may dati ng batas na ganito sa bansa at aniya ay mas pinatindi lamang ito subalit kung hindi din naman maipapatupad ng tama ay wala ring mangyayari.
Ito ay sakabila ng napakarami mang naipapaulat na mga nahuhuli kaugnay dito ngunit wala pa siyang nakikitang nakakasuhan o nakukulong manlang.
Nakapaloob sa nasabing panukalang batas na ito na magkakaroon ng sariling enforcement group sa pagpapatupad ng mga regulasyon at panuntunan ukol dito.
Sambit pa niya na dapat hindi lamang ang mga appointed group ang magtatrabaho sa pagpapatupad nito bagkus ay whole nation approach.
Samantala, natutuwa naman ito sa paglaunch ni Pangulong Marcos Jr. ng Rice Program sa Guimba, Nueva Ecija na aniya ay huwag dapat haluan ng politika dahil kapag nagtagumpay ito ay mag-iimprove ang produksiyon ng palay sa bansa gayundin ang iba pang agri-products.