Bahagyang tumaas ang remittances ng mga Overseas Filipino Workers sa ikatlong sunod na buwan noong Hulyo sa pinakamataas na lebel sa loob ng pitong buwan, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa datos na inilabas ng departamento, ang cash remittances o money transfers sa pamamagitan ng mga bangko o formal channels ay nasa $3.085 billion noong Hulyo, tumaas ng 3.1% mula $2.992 billion sa kaparehong buwan noong nakaraang taon, at mas mataas sa $2.882 billion noong Hunyo.
Habang ang remittances naman mula sa land-based workers ay tumaas ng 3.6% sa $2.52 billion, habang ang mula sa sea-based workers ay umabot naman ng 0.9% sa $0.57 million.
Ang cash remittances ay nasa $19.332 billion year-on-year, tumaas ng 2.9% mula $18.765 billion sa unang quarter ng 2023.
Samantala, tumaas din ang kabuuang personal remittances ng padalang cash o in-kind via informal channels ng 3.2% sa $3.428 billion noong Hulyo, mula sa dating $3.321 billion sa kaparehong buwan noong 2023.