BOMBO DAGUPAN- Tumaas sa ika-53 ang pwesto ng Pilipinas sa 2024 United Nations Global Cybersecurity Index na mula sa ika-61 noong 2020.
Ayon sa Department of Information and Communication Technology (DICT), nakagawa ng malaking progreso ang bansa sa pagtitiyak ng cyberspace at mas lumapit pa sa pagiging gloval leader pagdating sa cybersecurity.
Batay sa lumabas na report, tumaas ang score ng Pilipinas ng 93.49 points mula sa 77 points noong 2020.
--Ads--
Nasa 1.51 points na lamang ang layo ng Pilipinas upang mapabilang sa Tier 1, kung saan nakabilang ang mga best in cubersecurity laws, technology, organizatins, training, at international cooperation sa buong mundo.
At sa ngayon, mula sa Tier 3, tumaas na sa Tier 2 ang Pilipinas.