Dagupan City – Mga kabombo! Paano kung malaman mong ang iyung itinatagong gamit ay nagkakahalaga pala ng kalahating milyong dolyar?

Ito kasi ang nangyari sa isang pamilya ng tatlong magkakapatid na babae mula sa Ohio.

Matapos na mapag-alaman na ang malaking halaga ng kanilang 1975 proof set dime, na itinago sa kanilang bank vault sa mahigit 4 na dekada na.

--Ads--

Ayon sa magkakapatid, noong una ay hindi pa alam ang halaga ng barya, hanggang sa magkaroon ng online auction na kinabibilangan ng mga tanyag na collector ng mga barya sa pangunguna ni President Ian Russell.

Dito na nalaman ng mga magkakapatid na ang barya ay posibleng umabot umano sa $500,000.

Dagdag naman ng mga collector ng barya, ang 1975-coin na walang markang “S” ay dalawang piraso lamang sa San Francisco.
Ang isa sa mga baryang ito ay na-auction noong 2019 sa halagang $456,000 bago ibenta sa isang private colector makalipas ang ilang buwan.

Ayon naman kay President Russell, patuloy ang paghahanap nila sa 1975 ‘no S’ proof dime hanggang sa dalhin ng magkakapatid mula ohio ang nasabing barya.

Nakatakda namang ipakita ang barya sa isang coin show ngayong buwan ng setyembre sa Tampa, Florida, at bago magtapos ang auction sa katapusan ng oktubre.

Gayunpaman, umaasa si President Russel na ang pinakabagong pagtuklas na ito ay pagsisimula ng marami pang madiskubre ng mga kakaibang barya sa kanilang bansa.