BOMBO DAGUPAN- Dapat umanong tiyakin ng gobyerno ang kahandaan ng bansa sa pagkalat ng Mpox.

Ayon kay Agri-Partylist Representative Wilber Lee, hindi talaga maiiwasan ang ganitong klase ng sakit ngunit kinakailangan maging handa ang pamahalaan sa maaaring epekto nito sa ekonomiya at bansa.

Hindi na dapat inaantay ang epekto nito bago pa magkaroon ng aksyon, katulad na lamang ng agarang pag-order ng mga bakuna at pagtugon sa pangangailangan ng publiko.

--Ads--

Dapat din maging prayoridad sa mga pampublikong ospital na magkaroon ng pasilidad para sa mga highly communicable virus. Katulad kase aniya noong pandemya na hindi nagkaroon ng maayos na isolation facilites.

Nanawagan din si Rep. Lee sa publiko na manatiling malakas at malusog upang malabanan ang anumang saki.

Samantala, matatawag naman na technical malversation ang paggalaw ng gobyerno sa sobrang pondo ng isang ahensya.

Kaya mariing kinontra na Rep. Lee ang paggalaw ng gobyerno sa nasa P90-billion “unused funds” ng PhilHealth.

Aniya, mayroon lamang sakop na maaaring paggamitan ng nasabing pondo, partikular na sa mga benepisyo at pagpapababa ng kontribusyon ng mga miyembro.