BOMBO DAGUPAN – Umabot sa pamamaril ang lumang alitan patungkol sa lupa ng magkapitbahay sa Barangay San Pedro sa bayan ng San Quintin.
Ayon kay PCapt. Esteban Fernandez III planado ang nangyaring pamamaril ng suspek sa biktima kung saan ay talagang nagtungo ang suspek sa bakuran ng biktima upang isagawa ang nasabing krimen.
Kinilala ang biktima bilang si Fernando Fabro Dulay, 54 anyos habang ang mga suspek ay kinilalang sina Rumualdo Silvania Cariño, 55 anyos, at Rolly Andres Biagtan, 33 anyos at lahat ng mga taong sangkot ay pawang residente ng nasabing lugar.
Base sa inisyal na imbestigasyon na bago ang insidente, nagpunta ang suspek sa harap ng bahay ng biktima kung saan ay lumikha siya ng kaguluhan doon at hinamon ang biktima para makipag-away pagkatapos ay kusa siyang hinikayat at inisin na habulin siya.
Kaya naman hinabol ito ng biktima kasama ang kanyang anak na si Jarrel Hann Dulay, 19 anyos at residente rin ng parehong lugar.
Tumakbo naman ang suspek patungo sa abandonadong bahay malapit sa nasabing lugar ng insidente habang si Cariño na armado ng isang improvised 12 gauge shotgun ay madiskarteng pumuwesto para sa isang pamamaril.
Pagkarating naman ng biktima doon ay agad na pinaputukan ito ni Cariño sabay tama sa tiyan at kanang braso. Nang marinig ang putok, huminto si Dulay sa paghabol kay Biagtan at nakita ang sugatang ama at binalingan ng galit si Cariño na sinusubukang i-reload ang kanyang baril. Gayunpaman, nagawang agawin ni Dulay ang nasabing baril at kapwa nagkagulo sa lupa. Nakita umano ni Biagtan si Dulay na sinaksak ng maraming beses si Cariño habang nasa proseso ng kanilang scuffle.
Dahil dito, nagtamo ng tama ng bala sa tiyan at kanang braso si Dulay, habang ang suspek na si Cariño ay nagtamo ng sugat sa ulo at maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Kapwa isinugod sa Eastern Pangasinan District Hospital, sa Tayug ang dalawa para magamot habang ang isa pang suspek ay dinala sa San Quintin PS para sa kaukulang disposisyon.
Samantala, pagbabahagi naman ni Fernandez na sa kasalukuyan ay peaceful naman ang kanilang bayan at isolated lamang ang mga ganitong kaso.