Dagupan City – Matagumpay na ibinahagi ang iba’t-ibang serbisyo at ayuda na nagkakahalaga ng aabot sa halagang P55.6 million sa mga Pangasinense kasabay ng ika-67 kaarawan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa ibinahaging mensahe ni Pangasinan Governor Ramon ‘Monmon’ Guico III, kinabibilangan ito ng iba’t ibang mga proyekto na inilunsad ng national government gaya na lamang ng farm equipment at inputs sa local farmers.

Sa isinagawang aktibidad ay nakatanggap ang nasa higit 948 na magsasaka mula sa district V at VI ng lalawigan ng mga libreng fertilizer at planting material kung saan ay inaasahan pang makakatanggap ng karagdagang 400 na magsasaka mula naman sa district III at VI.

--Ads--

Tiniyak naman ng gobernador na suportado ng lalawigan ang mga proyektong ng pangulo lalo na ang layunin at adhikain nito na Bagong Pilipinas.

Aniya, hindi ito madaling trabaho at kinakailangan ng tulong ng publiko para makamit ang adhikain na ito, kasabay ng pagbati sa kaarawan ng pangulo.

Ipinaabot naman nito ang kaniyang pasasalamat sa pamahalaan sa nakatakdang pagbubukas pa ng tulong sa mga programang Department of Social Welfare and Development’s AKAP o Ayuda sa Kapos ang Kita; at ng Department of Labor and Employment’s TUPAD o ang Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers.

Ipinaabot din ni Pangasinan ni Pangasinan Vice Governor Mark Ronald Lambino ang kaniyang pagbati sa pangulo kasabay ng pagtitiyak na lahat ng proyekto, tulong at serbisyo ng pangulo ay dumarating at naipapamahagi sa lalawigan.