Dagupan City – Isusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang Pangasinan Government Unified incentives for medical konsulta Ordinance para sa lahat ng mga Pangasinense.

Ayon kay Pangasinan Governor Ramon ‘Monmon’ Guico III, layunin nito na mabigyang tulong medikal ang mga Pangasinense at malaman ng mga ito ang estado ng kanilang mga kalusugan o karamdaman.

Ang nasabing inisyatibang ay sa ilalim ng PhilHealth Konsulta Program at ang Universal Health Care Act, na kailangan lahat ng mga Pilipino ay may medical insurance o ang pag-avail ng free medical examinations.

--Ads--

Aniya, nakatakdang makipag-ugnayan na rin ang Pamahalaang Panlalawigan sa mga Rural Health Unit, Hospitals, Local Government Units, at Baranggay’s para sa nasabing programa. Kung saan ang mga magpapakonsulta sa mga ito ay bibigyan pa ng pagkain at pamasahe.