Mga kabombo! Viral ngayon sa social media ang isang Brazilian Dog matapos na ipinamalas nito ang kanyang kakayahan sa sport na Footvolley.

Ikinatuwa naman ito ng mga netizen kung saan ay napag-alaman na ang Brazilian Dog ay isang Brazilian Border Collie na may pangalang Floki dahil sa kanyang kakayahan sa pag Footvolley, pinagsamang beach volleyball at soccer ang naturang sport.

Ayon sa ulat, Agaw pansin sa mga manunuod sa Brazil si Floki kung saan walang kapaguran sa paglalaro ng paborito niyang sport, paghahabol sa bola sabay pagsalo nito gamit ang kanyang nguso patawid sa Footvolley net.

--Ads--

Ayon naman sa owner ni Floki na si Gustavo Rodrigues, isang footvolley coach. Tila kapansin-pansin ang skills ng border collie at ang potential nito sa paglalaro ng footvolley.

Pagbabahagi nito, nag-umpisa ang lahat matapos niyang makita si Floki na enjoy na enjoy na maghabol ng lobo sa loob lamang ng kanyang pangalawang buwan. At sa edad na 3 years old, dito na nga tuluyang kinilala si Floki bilang isang footvollley star.

Ang larong ito ay angkop sa pinagsamang sport, na may parehong mga patakaran tulad ng beach volleyball ngunit gumagamit ng mas maiikli na net. Kuha rin ito mula sa soccer kung saan hindi maaaring gamitin ng mga manlalaro ang kanilang mga kamay at braso

Ang pokus ni Floki ay ang kaniyang bilis, at liksi dahil yan ang mahalagang skills sa paglalro ng footvolley.

Ayon sa American Kennel Club, ang mga Border Collie ay talagang matalino at ang lahing ito ay nakapagbigay na ng mga rekord sa iba pang abilidad, kaya’t hindi na nakakagulat kung paano natutuhan ni Floki ang laro.