Matagumpay na inilunsad ng Department of Agriculture (DA) ang Agri-Puhunan at Pantawid Program.
Layunin nito na magbigay ng murang pautang, tulong pinansiyal at suporta na makapagpapataas sa produksyon ng bigas at makapagbibigay ng tulong upang matiyak na may mapagbebentahan ng produkto ang target nitong 1.2 milyong magsasaka na matulungan sa bansa.
Pinangunahan naman ito ni President Ferdinand Marcos Jr. para sa mga rice farmer-member ng agricultural cooperatives na sumasaklaw sa 1.2 milyong ektarya ng palayan sa buong bansa.
Ayon naman kay DA secretary Farncisco Tiu Laurel, layunin ng programa na mag-alok ng credit facilities o murang pautang na kailangan sa pagsasaka ng humigit-kumulang 50,000 ektaryang palayan na sinasaka ng mga rice farmer at mga kooperatiba nito.
Kung saan ay sinimulan na rin ito sa ilalim ng National Irrigation Administration (NIA) sa Upper Pampanga River Integrated Irrigation Systems (UPRIIS), Magat River Integrated Irrigation System (MARIIS), at NIA systems para sa Cordillera Administrative Region (CAR).