BOMBO DAGUPAN- Agaw atensyon ang isang baby hippopotamus na si Moo Deng, na nagdudulot ng “fan frenzy” sa Khao Kheow Open Zoo malapit sa Pattaya sa Thailand.

Ang dalawang-buwang gulang na si Moo Deng, na ang pangalan ay may kahulugang “bouncy pig,” ay naging viral online, at marami ang pumipila upang makita siya.

Mula nang ipanganak siya noong Hulyo, dumoble ang bilang ng mga bumibisita sa zoo.

--Ads--

Dahil sa kasikatan ni Moo Deng, naglabas ng pahayag ang direktor ng zoo, si Narongwit Chodchoi, upang paalalahanan ang mga bisita na tratuhin ng maganda sa baby hippo.

May mga video na nagpapakita ng mga bisitang nagtapon ng shellfish at nagwisik ng tubig kay Moo Deng habang natutulog siya, na itinuturing na mapanganib at malupit na pag-uugali.

Dahil dito ay nag-install na ang zoo ng CCTV cameras at nagbantang magsasampa ng kaso laban sa mga nagpapakita ng maling asal.

Ang pygmy hippos, ay mula sa West Africa at itinuturing na “endangered” ng International Union for Conservation of Nature (IUCN), na may mas kaunti sa 3,000 na natitira sa wild.

Ang maliit na frame nito at bilugang katawan ay naging dahilan ng kanyang kasikatan online, kung saan marami ang nagpapahayag ng kanilang pagka-obsessed sa kanya.

Bukod sa mga social media posts tungkol kay Moo Deng, naglabas din ang zoo ng mga merchandise na inspired sa kanya.

Kahit ang beauty retailer na Sephora ay naglunsad ng Moo Deng-inspired blushes.

Si Moo Deng ay nagpakitang-gilas na rin sa internasyonal na telebisyon.