Ang 2024 Department of Trade and Industry’s (DTI) Bagong Pilipinas National Trade Fair (NTF) ay nakapag-generate ng P73.1 million sa pinagsamang cash sales, booked orders, at orders na nasa ilalim ng negotiation sa pakikipagtulungan sa micro, small, at medium enterprises.
Sa isinagawa ng DTI Bureau of Market Development, Promotions and OTOP (BMDPO), nakasama ng mga ito ang nasa 270 exhibitors mula sa iba’t ibang rehiyon. Kung saan ay ipinapakita ang mga ipinagmamalaki ng mga Pinoy na craftsmanship, Halal products, coconut-based innovations, novelty items, holiday decorations, at home furnishings.
Ipinakita rin dito ang dedikasyon ng bansa na makapagbigay ng conservation at innovation sa cutting-edge products na gawa sa isang eco-friendly materials.
Ang National Trade Fair ay nagpakita ng isang dynamic hub sa negosyo at pag-eengganyo pa ng mga potential partners and customers.