BOMBO DAGUPAN- Ikinakagalit ng Alliance of Health workers ang pagbabalik sa halos P90-million na “unused subsidy” ng PhilHealth sa Beaury of Treasury.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Robert Mendoza, presidente ng nasabing alyansa, dapat lamang ibalik ito ng korte suprema sa pondo ng ahensya upang ilaan sa pagsuporta sa libre at mas progresibong health care system.

Parte man ito ng naipon sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE), nanggagaling pa din ito sa General Appropriation Act at kinakailangan ito ng taumbayan.

--Ads--

Kaya ikinagagalit din ito ng mga health sector dahil hindi naman nila naramdaman ang sinabing salary increase. Dapat din na ginawang patas ang pagkakahati nito sa medical at non-medical personnel.

Bukod pa riyan, maaari din itong magamit ng PhilHealth para mabayaran ang kanilang pagkakautang sa mga ospital.

Hinihiling din ni Mendoza ang pagpapatigil sa pagtaas ng kontribusyon dahil sobra-sobra naman ang pondo ng PhilHealth.

Sa kabilang dako, panawagan ni Mendoza ang pagbabalik sa mga proposed budget ng mga ospital para mabigyan ng magandang health care ang publiko.

Upang maasam ito, kinakailangan ang 5% gross domestic product para sa paglaan ng budget.