BOMBO DAGUPAN- Napabilang ang Pilipinas sa 193 na mga bansa na “at risk” sa mga kalamidad.

Batay sa 2024 World Risk Report, ang Pilipinas ay may World Risk Index score na 46.71, o maituturing na kabilang sa “very high” na klasipikasyon. Gayundin sa exposure scoring na 39.99, vulnerability na nasa 55.03, susceptibility na nasa 51.16, lack of coping capabilities na nasa 58.07 at lack of adaptive capacities na may 56.10.

Ipinakita din nila na kabilang ang Pilipinas sa 10 hotspots sa Asia at America. Kasama na rito ang Indonesia, India, Colombia, Mexico, Myanmar, Mozambique, Russia, Bangladesh, at Pakistan.

--Ads--

Bukod pa riyan, nasa ika-apat ang Pilipinas sa may mataas na nararanaasang paglindol, tsunami, bagyo, mga pagbaha, tag-tuyo, at pagtaas ng lebel ng karagatan.

Sinabi din ng World Risk Report na nauugnay din sa kahirapan at hindi pagkakapantay-pantay sa isang bansa ang pagkakaroon global disaster risks.