BOMBO DAGUPAN – Nasa 92 Higher Education Institutions (HEI) sa buong Rehiyon Uno ang tinututukan ng Komisyon upang masiguro ang dekalidad na edukasyon.

Ito ay sa pamamagitan ng patuloy nilang pagbibigay ng mga scholarship at pagpapaunlad sa mga (HEI).

Ayon kay Dr. Christine N. Ferrer, Regional Director ng CHED Region 1, maraming pokus na programa ang komisyon, kabilang na ang pagbibigay ng mga scholarship sa mga kwalipikadong estudyante batay iba’t ibang uri nito.

--Ads--

Bukod pa diyan ay kasama rin sa kanilang pokus ang pagtulong sa mga HEI upang masunod ang mga pamantayan ng sistema ng edukasyon, pag-assist sa mga research, pagsasanay sa mga guro, at pagbisita sa bawat institusyon upang masuri ang mga nangyayari sa loob nito.

Layunin din nilang maisaayos ang mga reporma at polisiya upang hindi lamang nakabatay sa teorya ang mga ito, kundi sa aktwal na pangyayari sa mga HEI.

Samantala, binigyang-diin ni Dr. Ferrer na kasangga sila ng mga HEI upang maihatid ang dekalidad na serbisyo sa pag-aaral sa mga estudyante at kliyente ng bawat institusyon.