BOMBO DAGUPAN – Mga kabombo! Ano ang iyong mararamdaman kapag nadelay ang iyong flight? Hindi dahil sa sama ng panahon subalit dahil sa nawawalang gunting.

Sa bansang Japan kasi daan-daang flights ang naapektuhan sa New Chitose Airport, dahil sa nawawalang gunting.

Tumagal ng ilang oras ang aberya, na nagresulta sa pagkansela sa 36 flights at pagka-delay ng 201 flights .

--Ads--

Ito ay matapos mangamba ng mga airport officials na baka isang potential terrorist ang kumuha ng gunting at gamitin ito bilang “weapon” sa flight.

Nag-resume lamang ang operations matapos matukoy ang kinaroroonan ng nawawalang gunting, na ayon sa isang ulat, ay ginamit sa isang tindahan sa departure waiting area.

Inamin naman ng airport staff na nagkaroon pagpapabaya sa trabaho.

Dahil sa delay at cancellations, naapektuhan ang maraming pasahero.

Kabilang dito ang Japanese rock band na 9mm Parabellum Bullet, na, dahil din sa gunting, ay nakansela ang scheduled concert.

Kasunod nito, naglabas ng official statement ang banda sa official website website nito.

At bahagi ng post, ang nangyaring hindi inaasahang insidente.

Ang masaklap pa rito, hindi na mababawi ng fans ang kanilang ipinambili ng tiket.

May mga nag-post naman sa X dahil naapektuhan ang kani-kanilang lakad.

Samantala, meron din namang nagpapasalamat dahil inuna raw ang kanilang kaligtasan ng mga pasahero.