BOMBO DAGUPAN – Malaki ang naging tulong ng mga proyekto sa syudad ng Dagupan partikular sa Barangay Pantal dahil hindi na sila gaanong nababaha ito ay sakabila ng tuloy-tuloy na pag-ulan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Julita Fernandez ang Barangay Captain ng nasabing lugar dahil sa nagawang proyekto na elevation of road sa syudad ay hindi na nababaha ang kanilang mga main road at ibang bahagi ng kanilang sitio.
Kung saan pagbabahagi nito na tanging ang likurang bahagi na lamang na mga sitio ang nakakaranas ng pagbaha sanhi narin ng high tide gayundin sa mga malalapit sa ilog.
Kaugnay nito ay isa sa nakikita nilang makakatulong sa mga apektado parin ng pagbaha ay ang programa ng syudad na Operation Sitio na nagbibigay umano ang alkalde ng mga gagamitin para mapataas ang mga kalsada.
Bukod diyan ay patuloy din ang kanilang monitoring at paghahanda tuwing may mga kalamidad. Gayundin ang pakikipagkoordinasyon sa CDRRMO upang malaman ang kalagayan ng lebel ng tubig sa pantal river.