Dagupan City – Mga kabombo! Usap-usapan ngayon sa social media ang sikat na Clinic, isang acupuncture clinic sa Japan, dahil sa kakaiba nitong method.
Ngunit ang style ng kanilang pagsasagawa ng method ay sa pamamagitan ng pagtusok ng paisa-isa ang karayom?
Ayon sa ulat, viral ngayon sa social media ang clinic na ito matapos kuamalat ang mga kuhang napakaraming itinutusok na karayom sa pasyente, kung saan ay nagmumukha na itong porcupine.
Pinapaniwalaan naman umano na nakatutulong ito para matulungan na magamot ang pisikal at espiritwal na karamdaman.
Ang singil ng Shirakawa Clinic sa bawat session ay umaabot sa 200,000yen o katumbas ng higit P66,000.
Kahit may kamahalan, ang naturang clinic ay maraming parokyanong Japanese celebrities and athletes.
Sa katunayan nito lamang buwan ng agosto, nag-post sa Instagram ang Japanese actor na si Masataka Kubota ng kanyang mga larawan habang sumasailalim sa isang acupuncture session sa Shirakawa Clinic. Ipinakita nito ang tadtad ng karayom na kanyang mukha at dibdib.
Ang mga larawan ay binura ng Instagram dahil ikinonsiderang “sensitive content,” pero nakunan pa rin ng screenshot ng ilang international media.
Bagaman at naging popular ang Shirakawa Clinic dahil sa kakaibang acupuncture technique ni Yusaku, hindi lang naman siya ang nagsasagawa nito sa Japan.
Batay sa research, may 500 acupuncture clinics na katulad niya ay gumagamit din ng sangkaterbang karayom.
Pero dahil may mahigit 120,000 acupuncturists sa Japan, kakaunti pa rin ang masasabing eksperto sa ganitong technique, at si Yusaku pa rin ang maituturing na trailblazer lalo pa at meron siyang high-profile clients.