Tumaas ang gross international reserves ng bansa noong Agosto.

Kung saan ay sumampa na sa $106.9 billion ang gross international reserves (GIR) ng bansa noong Agosto, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), mas mataas ito sa $106.7 billion noong Hulyo.

Binubuo naman ito ng foreign investments, gold, foreign exchange, reserve position sa International Monetary Fund (IMF), at special drawing rights.

--Ads--

Dahil dito ang kasalukuyang GIR level ng bansa ay umabot na sa higit pa sa sapat na external liquidity buffer, sakop ang 7.9 buwan ng imports of goods, at pagbabayad para sa mga serbisyo at primary income.

Ito rin ay 6.1 beses ng short-term external debt ng bansa base sa original maturity, at 3.7 beses base sa residual maturity.