BOMBO DAGUPAN – Idineklarang dead on arrival ang 20-anyos na backride matapos masangkot ang sinasakyang motorsiklo sa isang aksidente sa bayan ng Aguilar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan PMAJ. Mark Ryan Taminaya COP, Aguilar PNP nangyari ang insidente bandang 12:45 ng tanghali kung saan isang aksidente ang nangyari sa kahabaan ng Romulo Highway sa nasabing bayan na kinasasangkutan ng Toyota Revo, na minamaneho ni Giovani Estrada Rosario, 55 anyos at residente din ng nasabing bayan habang ang itim naman na Motorstar na motorskilo ay minamaneho naman ni Joshua Camacho Andaya, 17 taong gulang, grade 12 student kung saan kasama ang kanyang back rider, na kinilala bilang si Edrian De Mesa Tamondong, 20 taong gulang at kapwa residente ng Brgy. Malibong sa bayan Urbiztondo.

Ani Taminaya na lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na binabaybay ng dalawang sasakyan ang nabanggit na kalsada patungo sa hilagang direksyon, kung saan ang minamaneho ni Rosario ay nasa unahan ng minamanehong motorsiklo ni Andaya.

--Ads--

Nangyari ang aksidente nang si Rosario ay lumiko pakaliwa para pasukin ang barangay road nang biglang mabangga ni Andaya mula sa likuran, dahilan upang mawalan ng kontrol sa kanyang motorsiklo.

Dahil dito, nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Andaya at back rider nito na si Tamondong ay agad namang dinala ng mga tauhan ng Aguilar MDRRMO sa Lingayen District Hospital para sa medikal na atensyon, gayunpaman ay ideneklara itong dead on arrival (DOA) ng kaniyang attending physician.

Sa kasalukuyan ay patuloy parin ang imbestigasyon sa nasabing inisidente subalit kalaunan ay napag-desisyunan din ng dalawang panig na ayusin na lamang ito dahil lumalabas na ang mga sangkot ay magkamag-anak.

Nagpaalala naman ito na laging mag-ingat lalo na at maulan kung saan ang mga kakalsadahan ay madulas.

Samantala, kaugnay naman sa pagpapatupad ng provincial ordinance na pagsusuot ng reflectorize vest ay patuloy naman nila itong ipinapatupad at sa ngayon ay nakikita na nila ang magandang resulta nito dahil wala ng nangyayari aksidente sa kanilang bayan lalo na kapag gabi.