BOMBO DAGUPAN – Kasalukuyan paring lubog sa baha ang barangay Lasip na itinuturing ding catch basin na bayan at isa sa 15 barangay na naapektuhan ng pagbaha dahil sa pag-apaw ng Sinocalan River na umabot sa lagpas 10ft.
Ayon kay Dante Fernandez ang Punong Barangay ng nasabing barangay na hindi pa gaanong umapaw ang tubig sa kanila noong kasagsagan ng bagyong enteng at nadadaanan pa ng mga residente ngunit nang nagtuloy-tuloy ang ulan dulot ng habagat ay dito na naipon ang tubig na umaabot sa hanggang dibdib. Kung saan ang buong barangay nila ay apektado sa baha.
Aniya mabilis umano ang pagtaas ng tubig. Halos 1100 na mga residente/pamilya ang naapektuhan sa pagbaha at lahat ng sitio dito ay lubog parin.
Kumpara naman noong nakaraang taon, ay mas malala ang kanilang naging sitwasyon dahil umaabot hanggang bubong ang nagiging baha noon.
Kaya naman aniya ay alam na at handa na rin ang mga residente sa mga ganitong pagkakataon.
Nagpaalala naman ito sakanyang nasasakupan na huwag na lamang lumabas hanggat maaari at kung lalabas man ay magsuot ng mga proteksyon mula sa sakit na maaaring makuha sa baha.