BOMBO DAGUPAN – Nagtamo ng mga sugat sa labi ang isang Barangay official sa bayan ng Asingan matapos saktan ng isang residente din sa kanilang barangay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Pmaj. Katelyn May Awingan, COP, Asingan PNP na nakatanggap sila ng isang tawag sa cell phone mula kay Alfredo Nicolas Pastor Jr. (Biktima), 50 taong gulang, may asawa, incumbent Brgy. Kagawad, at residente ng Brgy. Ariston West sa nasabing bayan kung saan humingi ito ng tulong matapos umanong saktan ni Odysseus Palado Pacis (Suspek), 40 taong gulang, may asawa, bus driver, residente din ng parehong bayan.

Kaugnay nito habang rumesponde ang Asingan PNP sa napaulat na insidente sa nasabing Barangay ay itinurn-over ng biktima ang suspek sa mga rumespondeng tauhan ng PNP.

--Ads--

Nabatid sa inisyal na imbestigasyon na bandang alas 8 ng gabi noong Setyembre 8, 2024, ang biktima at ang mga duty CVO ay rumesponde sa napaulat na nangyayaring gulo sa Zone 4 ng nasabing lugar kung saan nagdudulot ng kaguluhan ang suspek.

Tinawag ng rumespondeng opisyal ng Barangay ang suspek para tumuloy sa Barangay Hall ngunit nanlaban ang suspek at inatake ang rumespondeng Barangay Official (biktima) at nagtamo ng mga sugat sa labi.

Dinala ang suspek sa Asingan Community Hospital para sa medical examination kung saan napag-alamang positibo sa alcoholic breath (AB) Test ng attending Physician nito.

Ibinahagi din ni Awingan na may pagkakataon na dinadala talaga ang suspek sa kanilang himpilan dahil sa panggugulo kung saan doon siya natutulog at kinabukasan ay umuuwi din.

Sa kasalukuyan ay inihahanda ng Asingan PS ang kasong Direct Assault laban sa suspek.

Paalala naman nito sa lahat na kapag may pagkakataon na may kailangang respondehan ay bukas lagi ang kanilang himpilan at aniya ay asahan sila kasama ng LGU Asingan sa pag-address sa pangangailangan ng kanilang nasasakupan.