BOMBO DAGUPAN – Nakadowngrade na mula sa blue alert status ngayon ay nasa white alert status na ang lalawigan ng Pangasinan matapos ang pananalasa ng Bagyong Enteng.
Ayon kay Vincent Chiu, Operation Supervisor Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Pangasinan bagamat nakadowngrade na ang status ng lalawigan ay may naitala na 22 na mga barangay ang flooded parin hanggang sa ngayon.
Kung saan ang bayan ng Calasiao ay ideneklarang nasa state of calamity kung saan nasa 15 barangay sa bayan ang kasalukuyang minomonitor at apat na pamilya naman ang nasa evacuation center.
Patuloy naman nilang tinututukan ang marusay river gayundin ang sinocalan river subalit aniya ang iba pang mga river system naman sa lalawigan ay nasa normal na lebel ng tubig.
Samantala, base naman sa parsyal na datos ay tinatayang nasa mahigit P60 million ang halaga ng danyos ng bagyong enteng sa imprastraktura, P39 million sa agrikultura at kalahating million naman para sa livestock.
Bagamat ay nakalabas na ang bagyo aniya ay nakastand by parin ang kanilang search and rescue personnels, patuloy din ang kanilang koordinasyon sa iba’t ibang ahensiya at dagdag pa niya na kapag sila ay kinailangan ay agad agad na magpapadala ng rescue team.
Nagpaalala naman ito na ugaliing sumunod sa mga protocols at para sa mga mangingisda ay wag na munang tangkaing maglayag lalo na at nakakaranas parin ng pag-ulan.