BOMBO DAGUPAN- Inaasahan ang malaking rollback ng presyo sa mga produktong petrolyo bukas, (September 10, 2024).
Sa magkahiwalay na advisories, sinabi ng Caltex, Cleanfuel, Jetti, Petro Gazz, PTT, Seaoil, at Shell na babawasan nila ang presyo ng gasolina ng PHP1.55 kada litro habang babawasan naman ang presyo ng diesel ng PHP1.30 kada litro at PHP1.40 kada litro naman sa presyo ng kerosene.
Magkakabisa ang pagtaas bukas bandang alas-6 ng umaga, para sa lahat ng kumpanya maliban sa Cleanfuel, na magsasaayos ng mga presyo bandang alas-4:01 ng hapon sa parehong araw.
Samantala, kaugnay nito ang ibang mga kumpanya ay hindi pa nakakagawa ng mga katulad na anunsyo para ngayong linggo.
Sinabi naman ng Department of Energy (DOE) na pangunahing dahilan ng rollback ay ang matamlay na demand para sa langis, dahil maraming malalaking bansa ang dumaranas ng paghina ng ekonomiya.